Paano mag-apply ng GSIS loan sa Online

Nagsimulang tumanggap ang GSIS ng loan application sa online noong March, 2020. Ang mga GSIS members at pensioners ay pwede ng mag-apply ng Consoloan, Policy Loan at Pension Loan via online. 


Narito ang simpleng paraan:

Unang Hakbang:
I-download ang loan form na iyong kaylangan


Narito ang LINK ng iba't ibang forms ng GSIS: 
https://www.gsis.gov.ph/downloadable-forms/?csrt=18121190312527622821

Pangalawang Hakbang:
Punan ang mga dapat punan at ihanda ang kopya ng mga sumusunod sa JPEG o sa PDF file


πŸ‘‰    Na-fill-apang application form
πŸ‘‰    Picture na hawak ang iyong GSIS UMID eCard o temporary eCard
(Siguraduhing malinaw ang pagkakakuha sa picture) 
πŸ‘‰    Kapag walang GSIS UMID eCard o temporary eCard, maaaring magpakita ng dalawang (2) Valid IDs, gawin ang sumusunod: 
  • Kunan ng malinaw na picture ang dalawang IDs (harap at likod) at;
  • Magpakuha ng picture hawak ang dalawang IDs, siguraduing malinaw ang pagkakakuha
Pangatlong Hakbang:
I-email ang mga dokumento, para sa "subject" sundan ang nasa larawan:

 
Photo credit: gsis

Photo credit: gsis

NOTE: Ang iyong BP Number ay makukuha sa iyong naitalagang Agency Authorized Officer (AAO) o sa Electronic Remittance File ( ERF) handler. Maari ding tumawag sa GSIS Contact Center (847-4747) o kaya ay lumapit sa kahit na sinong miyembro ng Assistance Unit sa pinakamalapit na GSIS office.

Pang-apat na Hakbang:
Ipadala ang mga dokumento (maximum of 2MB per email) sa mga sumusunod:


πŸ“    NCR (Kasama ang Quezon City, Cavite at Rizal province):
πŸ“§    gsisncr@gsis.gov.ph

πŸ“    North Luzon:
πŸ“§    gsisnorthluzon@gsis.gov.ph

πŸ“    South Luzon:
πŸ“§    gsissouthluzon@gsis.gov.ph

πŸ“    Visayas Area:
πŸ“§    gsisvisayas@gsis.gov.ph

πŸ“    Mindanao Area:
πŸ“§    gsismindanao@gsis.gov.ph


πŸ‘‰    Pagka-send ng iyong email, antayin ang mga sumusunod:
  • Isang email acknowledgement mula sa GSIS
  • Tentative Loan Computation at Loan Conformity 
  • Notification o paalala ng incomplete at/o non-compliant na dokumento (if applicable) 
πŸ‘‰    Para sa mga aktibong miyembro, kapag na sumite na ang Loan Conformity, ito ay ipapadala ng GSIS sa inyong naitalagang Agency Authorized Officer (AAO) para sa certification.
Paano mag-apply ng GSIS loan sa Online Paano mag-apply ng GSIS loan sa Online Reviewed by Issues PH on December 18, 2020 Rating: 5

1 comment:

  1. hello po ask ko lang po kung may isusubmit pa kami sa agency namin o kayo na po .Thank you po

    ReplyDelete

Powered by Blogger.